Ang 3-Day Experience Ko sa loob ng “Bahay ni Kuya”

For my birthday month, natupad ang isa sa mga matagal ko nang pinapangarap—ang makapasok at maranasan mismo kung ano ang feeling sa loob ng Bahay ni Kuya!

Matagal ko na talagang gusto maranasan ‘to, kaya sobrang surreal ang moment na pumasok kami. Una, tinakpan ang mukha namin (para surprise talaga). At noong tinanggal na namin ang takip, grabe, hindi ko mapigilan maging sobrang saya at kilig—parang teenager ulit!

Isa pa, proud ako kasi Batch 1. Doon, I met new people that eventually turned friends. Ang isa sa pinaka-challenge? Kinuha nila ang mga cellphone namin! Hindi ko talaga naimagine na nakayanan kong mabuhay na walang cellphone for 3 days! Walang connection sa labas, walang scroll scroll—kami lang, nakatutok sa mga sarili namin at sa mga workshops. At sa totoo lang, ang saya ng feeling na disconnected sa outside world.

Isa sa mga hindi ko in-expect ay kung gaano karami akong matututunan sa singing at dancing workshops. Ang dami kong baon na learnings, hindi lang sa performance kundi pati na rin sa confidence – kahit for 3 days lang!

Kami na rin mismo ang nagluto ng breakfast namin, at natulog sa mga kama na tinulugan din ng mga housemates dati, pinayagan din kaming gamitin ang pool!

Ang saya at ang special ng simpleng bagay na ‘yon—parang parte na rin kami ng Bahay ni Kuya history. May pa Voice Over pa si Kuya sa huling araw namin sa loob ng bahay niya!

Ngayon, masasabi ko na, healed na ang aking teenage dream. Yung dati kong wish na maranasan ‘to, natupad na at sobra kong maaalala habang buhay.

Maraming salamat, Star Magic, sa napaka-unforgettable na 3-day experience na ito.